Taas pasahe sa MRT, LRT mauudlot

IPINARATING ng Department of Transportation and Communications (DOTC) na malabo pang maipatupad sa susunod na buwan ang pagtaas ng pamasahe sa MRT at LRT, Linggo, Pebrero 6.

Ito ay sa kabila ng sinasabing naging maayos ang naging palitan ng opinyon sa pagitan ng DOTC at mga kinatawan ng commuter sectors sa ikalawang public consultation nitong Sabado.

Matatandaang napaulat na sa March 1, 2011 magsisimula ang implementasyon ng bagong pasahe sa MRT at LRT.

Ayon kay DOTC Usec. Dante Velasco, panukala palang ang MRT/LRT fare increase at dadaan pa sa masusing deliberasyon.

Nauna rito, sinalubong ng kilos protesta ng militanteng grupo ang public consultation kaugnay sa MRT/LRT fare hike at kanilang ipinagsigawan na hindi sila sang-ayon dito.

Paliwanag naman ng pamunuan ng MRT at LRT, umaabot na sa P11 bilyon ang abono ng gobyerno para mapanatiling abot kaya ang pasahe. Benedict Abaygar, Jr.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply