Tagalitis ni Garcia, pinasisibak, kakasuhan ng graft

NAHAHARAP sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang lahat ng prosecutors na humawak ng kasong plunder ni dating AFP comptroller ex-Gen. Carlos Garcia bukod pa sa litanya ng kasong isasampa dulot ng prosecutorial negligence kaya dapat sibakin sa serbisyo.

Iginiit ito ni Sen. Franklin Drilon, dating justice secretary at executive secretary, matapos pag-aralan ang kapalpakan ng mga prosecutors ni Garcia kung kaya’t bumagsak ang plunder sa direct bribery at facilitating money laundering.

Ayon kay Drilon, nasasakop bilang “corrupt practices” ang desisyon ng mga government prosecutor na pumaloob sa plea bargaining agreement kay Garcia sa kabila nang malalakas ang ebidensiya at pinarurusahan ito sa ilalim ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act (RA 3019).

“They should be hailed to court immediately and sacked for this grossly negligent agreement and for causing undue injury to the government,” matinding pahayag ni Drilon.

Sinabi pa ni Drilon, dating senate president, na nilabag ng mga prosecutor ang Section 3 (E) ng RA 3019 partikular ang probisyon na nagsasabing “causing any undue injury to any party, including the Government, or giving any private party any unwarranted benefits, advantage or preference in the discharge of his official administrative or judicial functions through manifest partiality, evident bad faith or gross inexcusable negligence…”

“They also violated Section 3 (G) of the law for “entering, on behalf of the Government, into any contract or transaction manifestly and grossly disadvantageous to the same, whether or not the public officer profited or will profit thereby,” paliwanag pa ni Drilon.

Sakaling maisampa ang naturang kaso, iginiit naman ni Drilon na dapat mag-inhibit si Ombudsman Ma. Merceditas Gutierrez sa imbestigasyon dahil siya mismo ang nag-apruba ng plea bargaining deal kay Garcia kaya nararapat lamang na ang kalihim ng Department of Justice ang siyang “tamang tao” na magpapatunay kung umabuso, sumuway at nagpabaya ang mga prosecutors.

Ibinabala pa ni Drilon na kahit kailangan pang aprubahan ng Sandiganbayan ang plea bargain deal, pero nadismis naman ang walang piyansang plunder o pandarambong dahil pinayagan si Garcia na umamin sa mas mababang pagkakasala ng direct bribery at money laundering kaya’t nakapagpiyansa.

Dapat din umanong sampahan ng kasong administratibo ang lahat ng prosecutor na nagpabaya sa kasong pandarambong ni Garcia. Ernie Reyes

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply