Taiwan di tinanggap ang mensahe ng PH

AYAW umanong tanggapin ng Taiwan ang salitang “deepest regret” mula sa liham ni Pangulong Benigno Aquino III.

Ang ibig umano ng Taiwan ay humingi ng tawad ang Pilipinas kaugnay sa pagpapa-deport ng 14 na Taiwanese sa China.

Ayon kay Manila Economic and Cultural Office (MECO) Chairman Amadeo Perez, hindi naging madali ang pakikipag-ugnayan sa Taiwanese government.

Inabot ng halos 11 oras ang pulong nila na nagsimula ng 2 ng hapon at natapos ng 1 ng umaga. Ito ay dinaluhan ng Deputy Foreign Affairs Minister ng Taiwanat  at dating Sen. Mar Roxas. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply