Taiwan mahihirapan sa pag-alis ng OFWs

MAHIHIRAPAN ang mga kumpanya sa Taiwan sakaling paalisin ang mga overseas Filipino worker (OFW) na nagtatrabaho sa kanila.

Ayon kay Labor Undersecretary Danilo Cruz, ang bansang Taiwan din ang mahihirapan kung tatanggalin nila sa trabaho ang mga manggagawang Pinoy, na karamihan ay empleyado ng mga highly technical companies at computer companies.

Nilinaw ni Cruz na hindi rin suspendido ang deployment ng mga OFW sa Taiwan, bagama’t humigpit ang pagpoproseso ng visa para sa mga bagong Filipino na magtatrabaho doon.

Kumpiyansa naman ang Department of Labor and Employment na maaayos din ang gusot sa pagitan ng Pilipinas at Taiwan na nag-ugat sa pagpapa-deport ng Pilipinas sa 14 Taiwanese nationals sa China.

Sinabi pa ni Cruz na patuloy ang pakikipag-usap ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) sa mga awtoridad sa Taiwan upang linawin ang pangyayari.

Naniniwala si Cruz na mismong ang mga kumpanya sa Taiwan ang aangal kung patuloy na maghihigpit ang kanilang gobyerno sa pagpo-proseso ng visa at iba pang dokumento ng OFWs na kinukuha nilang empleyado.  Johnny F. Arasga

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply