Taiwan ‘suko’ na sa Pilipinas

NAGING mahinahon na ang Taipei kasabay ng pagpapahayag na nais na nilang maayos ang hidwaan sa pagitan ng Taiwan government at Pilipinas sa paghingi ng paumanhin, dahil sa  deportasyon ng 14 Taiwanese Nationals sa Mainland China noong Pebrero 2.

Ayon sa Central News Agency (CNA) ng Taiwan, sinabi ni Foreign Minister Timothy Chin-Tien Yang, na hindi na kailangang pag-awayan pa ang paghingi ng “sorry” ng Pilipinas sa bansa nito.

“I can’t remember the last time in my diplomatic career that I’ve seen one country officially ‘apologize’ to another… and apology takes many forms,” sinabi ni Yang sa isang, statement na pinublish sa CNA website.

“The people of Taiwan should be rational in their reaction to the unfortunate incident … Taiwan and the Philippines have a wide range of ties and exchanges and the relations are too important to be sacrificed to a disagreement over one word,” dagdag nito.

Matatandaang naging matigas ang bansang Taiwan sa pagdemand ng pormal na paghingi ng tawad mula sa Pilipinas, matapos dineport ng Pilipinas ang 14 fraud suspects sa China, kahit sila ay Taiwanese nationals. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply