Take-over ikinasa sa PhilCycling

NABUNYAG kahapon na mismong si Philippine Olympic Committee (POC) president Jose Cojuangco, Jr. na ang hahawak at mamamahala sa paghahanda ng PhilCycling sa mga susunod nitong events.

Partikular na tutugunan umano ni Cojuangco ang pinansiyal na pangangailangan ng grupo na una nang tinanggalan ng pondo dahil sa awayan sa liderato.

Pagsasamahin na umano ang mga nagkakawatak-watak na miyembro sa iisang grupo na tatawaging unified national team para sa Southeast Asian Games.

Nadiskubre na tuluyan nang kinuha ni Cojuangco ang team dahil naaawa na ito sa mga miyembro na naaapektuhan ng bangayan kung saan sangkot umano si PhilCycling president at Tagaytay City Mayor Abraham “Bambol” Tolentino.

Ayon sa mga sources, wala nang tiwala ang POC head at gayundin ang Philippine Sports Commission (PSC) kay Tolentino lalo pa’t nagkakaroon umano ng ‘conflict of interest’ sa trabaho niya bilang alkalde at lider ng team.

Maaari umanong mawasak nang tuluyan at mawalan ng moral ang grupo kung hahayaan na lamang ni Cojuangco ang magulong komposisyon nito.

Samantala, inihahabol ni Cojuangco na maisama ang arnis at rugby sports sa national team dahil malaki ang pag-asang makakuha ang RP delegation ng karagdagang medalya sa nasabing events. Gilbert Perdez

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply