Takot na maagaw ng iba: Piolo napilitang aminin ang relasyon kay KC

“I just want it out and I just want them to know that she’s taken.”

“I guess kailangan din naming gawin ‘to para rin matahimik na yung iba, at para matigil na rin ang mga nagpaparinig kay Kristina. Joke!” natatawang sabi niya.

Ani pa ni Piolo, “Marami kasi ang nagpaparinig na nagsasabing may gusto sa kanya. Pero I guess, they just have to know that we’ve been together since last year.”

Hindi kaya takot lang si Piolo na maligawan o maagaw pa ng iba si KC kaya siya napilitang aminin ang kanilang relasyon.

“Hindi po, biro lang yun, bilang lalaki kasi, it’s also a responsibility. She’s not left in the dark. Hindi siya nahihirapang sumagot.

Matatandaang malakas na hiyawan ang narinig sa loob ng studio ng The Buzz nang sa kauna-unahang pagkakataon ay inamin ni Piolo sa publiko ang tunay na relasyon kay KC.

“Yes!”

Ito ang naging sagot ng matinee idol nang tanungin siya ni Charlene Gonzalez-Muhlach kung sila na nga ba ni KC.

Sa segment na “Straight From The Heart” ay inusisa ni Charlene ang kapwa niya Tomasian na si Piolo tungkol sa love life niya.

Tanong ni Charlene kung mahal ba talaga ni Piolo si KC. Naging mahaba ang pagpapaliwanag ng aktor dahil ito nga ang unang pagkakataon na umamin siya tungkol sa relasyon nila ni KC.

“Ilang years or ilang interviews na rin na, sabi nga nila, ‘Palagi mong dina-divert or hindi mo sinasagot nang diretso.’

“I thought, you know, I can find a way out because I have always wanted to separate my professional life and my personal life.

“But I guess I come to a point na mas gusto kong magpakatotoo, regardless of what people might say, regardless of people’s judgment or opinion. I guess, the person deserves it.

“I guess because I don’t just owe it to myself, I owe it to the public… But most importantly, I owe it to the public,” saad niya.

Ano ang pakiramdam ni Piolo ngayong umamin na siya tungkol sa kanila ni KC?

“It’s very liberating,” sagot niya.

“Siguro, what we have to deal with is the… Sorry, I just have to expound about it. The reason naman why I never admit it is because may pinoprotektahan ako.”

Ang tinutukoy ni Piolo ay ang kanyang anak na si Iñigo.

Patuloy niya, “You know how it is to have a son na hindi mo makasama. Ayaw mong mapariwara ang bata. Hindi mo kasama…

“Bata yun, he’s only 13 years old. But I think, I’m decided at this point, kung anuman ang magiging reaction ng anak ko, you just have to deal with it.

So ngayong malinaw na sa lahat ang relasyon ng dalawa, aminin naman kaya ni Piolo ang date ng kanilang anniversary? Gwenn Salamida

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply