Taksil na misis, kinatay ni mister

“WALA akong pinagsisisihan, dapat lang siyang mamatay dahil sa kanyang pagtataksil”

Ito ang tahasang inihayag ng 32-anyos na construction worker matapos pagsasaksakin ang kanyang kalive-in partner nang makitang may ibang lalaking kasama, isang araw bago ang selebrasyon ng Araw ng mga Puso.

Nagawa pang makatakbo ni Gilda Gaba-gaba, 31, pauwi sana sa kanilang tirahan sa Upper Normad, Merville Access Road nang habulin ng saksak ng suspek na si Ernol Ino, makaraang makita sa kahabaan ng CKhai Barrio Balagbag, 7:30 Sabado ng gabi na may kasamang ibang lalaki ngunit inabutan siya ng kalive-in at inundayan ng tatlong saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sumaklolo naman ang mga nakasaksing kalalakihan sa naturang lugar at pinagtulungang bugbugin si Ino hanggang sa rumesponde na ang kagawad ng Police Community Precinct (PCP) 10 at dinala sa presinto ang suspek.

Napag-alaman na 11-taon nang nagsasama bilang mag-asawa sina Ino at Gaba-gaba matapos mabiyayaan ng isang anak na babae na ngayon ay 10-taon na subalit matindi pa rin umano ang pagseselos ng lalaki sa kalive-in

Sinabi ng suspek sa pulisya na matagal na niyang nauulinigan na nahuhumaling sa iba’t ibang lalaki ang kanyang kinakasama kaya nagdilim ang kanyang paningin nang makitang may iba iyong kasama.  Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply