Talent coordinator tiklo sa panggogoyo

SWAK sa kulungan ang nagpapakilalang talent coordinator ng ABS-CBN matapos madakip sa entrapment operation nang mabigong maipasok sa isang television show ang isang bata.

Kinilala ni P/Chief Inspector Ritchie Claravall, hepe ng Quezon City Hall Police Station ang nadakip na si Remedios Bartolome, 58, nakatira sa Mother Ignacia St., Brgy. South Triangle ng nasabing lungsod.

Ayon kay SPO1 Edmundo Rizon, dakong alas-12:40 ng tanghali nang kanilang isagawa ang entrapment operation laban sa ginang sa mismong food court ng ABS-CBN dahil na rin sa reklamo ni Evangeline Satsumi, ina ng batang si Sayaka Satsumi na pinangakuan ng suspek na kukuning talent para sa programang Going Bulilit.

Nauna rito, nagbigay umano si Evangeline ng halagang P64,200 kay Bartolome at sa umano’y mga kasabwat nito na nakilala lamang sa pangalang Trina Lopez at James Lopez na sinasabing empleyado ng ABS-CBN dahil sa pangako na gagawing talent ang kanyang anak.

Sinabi ni Evangeline na ipinadala niya sa pamamagitan ng LBC at Smart money ang nasabing halaga para maasikaso ang mga papeles na kakailanganin ng kanyang anak. Jan S.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply