Talunang meyor abswelto sa kasong iligal na droga

IBINASURA ng Pasig City Regional Trial Court ang kaso laban sa kumandidatong alkalde ng Mandaluyong City dahil sa teknikalidad,.

Ayon kay Pasig RTC Judge Abraham Borreta, mahina ang mga ebidensyang inihain ng prosekusyon laban kay Ernest Buan.

Sa 15-pahinang desisyon, sinabi ni Borreta na hindi nakumpleto ng mga arresting officer ng Philippine Drug Enforcement Agency  (PDEA) ang mga kinakailangang dokumento na  nakapaloob sa kasong Sec. 21 ng RA 9165 na isinampa laban kay Buan.

Dahil dito, sinabihan ni Borreta ang prosecution panel na i-terminate ang mga iprinisintang ebidensiya ng testigong si PDEA agent John Rico Magdurulang dahil sa hindi nito pagsipot sa huling pagdinig ng RTC sa kaso noong Disyembre 13 , 2010 at Enero 5 , 2011.

Matatandaan dinakip si Buan sa panahong siya’y tumatakbong kandidato sa pagka-meyor ng Mandaluyong City.

Hinuli siya ng mga operatiba ng PDEA sa isang commercial center sa Pasig City noong Enero 29, 2009 at nakuha sa kanya ang dalawang plastic sachet ng cocaine, na umano’y tangkang ibinibenta sa isang poseur-buyer ng ahensya sa halagang P7,000. Alex Ching

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply