Tanker, jeep nagsalpukan sa Pasay, 10 sugatan

SUGATAN ang 10 katao nang magsalpukan ang isang tanker at pampasaherong jeep kaninang umaga, Pebrero 15 sa Pasay City.

Sa inisyal na imbestigasyon ni SP02 Steve Dumlao ng Highway Patrol Group, hindi napansin ni Joseph Ranises, driver ng tanker (WRY 439) ang jeep na minamaneho ni Vicente Camzon habang binabaybay ang South Bound Lane sa Nichols, Pasay.

Inaalam na ang pagkakilanlan ng mga biktima na agad dinala sa Parañaque Doctors Hospital habang isa naman ang isinugod sa Villamor Airbase Hospital.

Sa kasalukuyan iniimbestigahan pa ng pulisya si Ranises at sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting to multiple physical injuries. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply