Tanod binoga ng 2 tirador

UTAS ang isang barangay tanod nang barilin ng dalawang lalaki sa Tondo, Maynila Biyernes ng madaling-araw, Pebrero 4.

Nabatid na umabot pa ng sampung oras sa Jose Reyes Medical Center ang biktima na kinilalang si Gilbert Lunop,  bago binawian ng buhay, barangay tanod ng Bgy. 11  Zone 2, 854-G San Antonio, Tondo.

Patuloy namang tinutugis ang suspek na kinilala lamang sa alyas  “Joker” at “Tanda”, mga kilabot na holdaper, at siga-siga sa lugar.

Sa report ni Det. Ramoncito Tolentino, ng Manila Police District-homicide section, isang Raquel Palomala, kasamahan ng tanod ang nagbigay ng salaysay kung bakit binaril ang biktima,

Ayon dito, ang  dalawang suspek ay una nang pinagsabihan ng biktima na “tumira na naman kayo”, pinaniniwalaang hindi nagustuhan ng dalawa.

Nauwi umano sa pagtatalo ang usapan, kaya inawat  ni Palomala ang biktima at sinabihan na umuwi na lamang at baka buweltahan pa ng dalawang suspek.

Naganap umano ang insidente, dakong 1:00 ng madaling araw, habang nagpapatrulya ang mga barangay tanod sa naturang barangay.

May 10 minuto pa lamang ang nakalilipas nang bumalik ang dalawang suspek at nang makita ang biktima ay dalawang beses itong pinaputukan bago nagsitakas.  Rene Crisostomo

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply