Tanod nadedo sa palo

BINAWIAN ng buhay ang isang volunteer guard bago makarating sa East Avenue Medical Center (EAMC) matapos pagpapaluin sa loob ng ginagawang townhouse madaling araw ng Lunes sa Quezon City.

Nagtamo ng mga sugat sa katawan at ulo ang biktimang nakilalang si Rowell Ruyadduyan, may-asawa, ng Sitio 4 Kaliwa, Barangay Batasan Hills ng nasabing lungsod.

Sa ulat ni PO3 Jovito  Lazaro, desk officer ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), naganap ang insidente bandang ala-una kahapon ng madaling araw sa loob ng ginagawang townhouse sa Commit st.,  Sunnyside Heights  Subdivision, Batasan Hills, Quezon City.

Nabatid mula sa saksing si  Ronaldo Valdez na siya’y nasa Jupiter st. sa loob din ng nasabing subdivision nang dumating ang duguang biktima.

Ayon kay Valdez, agad niyang dinala ang biktima sa nasabing pagamutan, kung saan ito ay idineklarang patay na.

Sa pagsisiyasat, natagpuan ang mga bakas ng dugo sa ginagawang townhouse ngunit wala silang matukoy na suspek dahil walang nais magsalita ukol sa naganap na krimen.

Hinihinala ng pulisya na posibleng nagro-roving ang biktima nang makursunadahan ng mga salarin. James de Jesus

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply