Tanod ng Zamboanga itinumba

PATAY ang isang barangay tanod ng Zamboanga City matapos pagbabarilin ng riding in tandem , Linggo ng madaling-araw, Pebrero 13 sa Malate Manila.

Kinilala ni MPD-Homicide Section chief P/Inspector Armand Macareg ang biktima na si Mun Bayani, 44, tanod ng Tigtabon, Zamboanga City at residente ng 2065 Leveriza st., Malate, Manila.

Sa report ni SPO2 Edmundo Cabal, 2 ng madaling araw nang maganap ang pamamaril sa biktima sa Adriatico at P. Ocampo sts, sa Malate.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, sakay ang biktima ng kanyang Enduro motorcycle at hinihintay na mag-green signal ang traffic light sa nasabing lugar nang sumulpot sa kanyang tabi ang mga saka binaril ang  biktima.

Nabatid na nagtungo sa lugar ang biktima dahil may katatagpuing textmate sa Vito Cruz, Malate, mMnila.

Hinala naman ni Allan Sullay, chairman ng Brgy. 700 Zone 77, at pinsan ng biktima na posibleng nasundan ang biktima ng mga kaanak ng napatay nito sa Zamboanga City, Mindanao pitong taon na ang nakalilipas. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply