Task Force binuo kontra KFR

BUMUO na ang Department of Justice (DOJ) ng joint Task Force na tututok sa Kidnap for Ransom (KFR) activities partikular sa Region 12.

Layon din ng Task Force na tukuyin ang pagkakasangkot ng ilang public officials sa naturang iligal na gawain.

Batay sa tatlong pahinang department order na ipinalabas ni Justice Secretary Leila de Lima, ang itinatag na Task Force ay bunsod ng pagtaas ng kaso ng kidnapping activities  sa Region 12 bukod pa sa natanggap nilang intelligence information na protektado  ng ilang public officials at law enforcers  ang KFR groups na nag-o-operate sa naturang lugar.

Si Interior and Local Government  Secretary Jesse Robredo ang tatayong chairperson, habang si Justice Secretary Leila de Lima ang co–chairman ng joint task force.

Sina PNP Police Director General Raul Bacalzo; Napolcom Police Director General Eduardo Escueta; Sr. Assistant State Prosecutor Philip Kimpo ng National Prosecution Service at Assistant Director Medardo de Lemos naman ang magsisilbing mga miyembro.

Nakasaad din sa department order na may kapangyarihan ang task force na ipatawag ang testigo, at ipaprisinta ang mga ebidensyang kinakailangan ng task force para sa pag-iimbestigang gagawin ng task force. Teresa Tavares

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply