Tax collector sibak, 2 pa kinasuhan ng estafa

SINIBAK kahapon ng Office of the Ombudsman ang isang revenue collection clerk at kinasuhan naman ng Grave Misconduct at Estafa ang dalawa pa, ito ang napag-alaman kahapon ng Remate.

Ang kinasuhan ng Grave Misconduct, Serious Dishonesty at Grave Neglect of Duty ay si Menardo D. Basalan, Revenue Collection Clerk III ng Siay Zamboanga Sibugay.

Ayon sa report, nagkaroon si Basalan ng cash shortage na umabot sa P213,619.69 ibatay sa audit na isinagawa ng Commission on Audit noong December 3, 2004.

Inamin naman kay Basalan na na-misappropriate niya ang nasabing halaga dahil nagkasakit ang anak niya.

Gayunman, sinabi ng OMB na kailangan pa rin niyang panagutan ang kanyang nagalaw na pera.

Sa hiwalay na report, kinasuhan naman ng estafa sina Ligaya Manansala, Local Assessment Officer III of the Provincial Assessor’s Office at Estrella B. Paldeng, Revenue District Officer I ng Bureau of Internal Revenue, San Fernando City, Pampanga.

Sa reklamo ni Teresita Lacanlale, binigyan niya ng P25,000 si Manansala noong August 6, 2006 para ayusin ang pagtititulo ng kanyang lote.

Siniguro umano sa kanya ni Manansala na ang Transfer Certificate of Title ay maibibigay na sa loob ng tatlong linggo, ngunit nang dumating ang araw na iyon, sinabi sa kanyang mailalabas ang titulo sa March 6, 2007.

Gayunman, hindi pa rin ito naibigay sa nasabing petsa at sa halip ay dinala si Lacanlale sa opisina ni Paldeng upang ipakita na naisumite na sa BIR ang mga dokumento.  Hanggang ngayo’y hindi pa rin naibibigay kay Lacanlale ang TCT.-Nenet Villafania

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply