Tax evasion vs Garcia ipinasasampa na ni De Lima

IPINAG-UTOS ni Justice Secretary Leila de Lima sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na madaliin ang pagsasampa ng kasong tax evasion kay dating Armed Forces of the Philippines (AFP) Comptroller Carlos Garcia at iba pang dating opisyal ng AFP.

Ito ay dahil ang BIR umano ang magdedetermina kung nararapat bang sampahan ng kasong tax evasion si Garcia bago kasuhan ng DOJ.

Ayon kay de Lima, naiisip na sila sa mabagal na desisyon ng BIR na hanggang sa kasalukuyan ay iniimbestigahan pa rin.

Bukod sa dating heneral, nais din ng DOJ na masampahan ng kaso ang asawa ni Garcia na si Clarita Garcia, subalit ang BIR pa rin ang magdedetermina kung maaari rin siyang isama sa kaso.

Siniguro naman ng Kalihim na pag-aaralan nila ng BIR ang mga kinakailangang aksyon laban kay Garcia at iba pang sangkot sa anomalya sa AFP.

Matatandaang nakalaya ang retiradong heneral dahil sa pagpasok sa plea bargaining agreement mula sa plunder kaya bumaba ang kanyang kaso sa indirect bribery. Teresa Tavares

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply