Taxi driver muntik humabol sa nakaburol na ama

MUNTIK pang humabol sa lamay ng kanyang ama ang isang taxi driver nang barilin ng hindi nakilalang salarin sa mismong burol ng kanyang tatay sa Caloocan City, iniulat Biyernes ng umaga.

Ang biktima na malubhang nasugatan ay kinilalang si Noel Baclayon, 38, ng Barangay Bagong Silang sa  nasabing lungsod.

Dakong 10:15 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa labas ng bahay ng biktima kung saan nakaburol ang tatay nito.

Naglalaro ng pusoy ang biktima nang dumating ang suspek at binaril ang una nang sunud-sunod.

Nakuha sa lugar ng insidente ang isang kalibre .45 na pistola na ginamit sa pamamaril sa biktima. Merly Iral

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply