Taxi driver patay sa saksak sa rambol

NAMATAY ang isang drayber ng taxi nang tadtarin ito ng saksak ng isa sa dalawang lasing sa Lungsod Quezon noong Lunes.

Kinilala ang biktma na si Rolito Oreas, 30, residente ng Barangay Payatas B sa nasabing lungsod.

Hindi na nakita pa ng mga rumespondeng mga awtoridad ang mga suspek dahil nakatakas agad ang mga ito.

Ayon kay PO2 Jogene Hernandez ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, naganap ang pananaksak sa Lupang Pangako sa Barangay Payatas B ganap na ala-singko ng hapon.

Nauna rito, tinutulungan ni Oreas ang kanyang kapitbahay na si Emily Perarin na maglinis ng sari-sari store kung saan nag-iinuman ang mga suspek.

Nang ipagpag ni Oreas ang floormats para alisin ang alikabok nito ay tinamaan ang dalawang nag-iinuman.

Nagreklamo ang mga suspek na ikinairita ng biktima at kinompronta ang una.

Nagkaroon ng mainitang palitan ng salita hanggang mauwi sa rambulan at masaksak ang una.

Isinugod ang biktima sa East Avenue Medical Center, kung saan ay ideneklara itong dead on arrival. James de Jesus

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply