Taylor Swift parating na ng bansa

DARATING ngayong araw, Pebrero 18 ang international singer na si Taylor Swift para sa kanyang concert sa Sabado, Pebrero 19, sa Araneta Coliseum.

Sa pagdating ni Swift ay mahigpit na ipagbabawal ang media interview dahil ayon sa kampo ng singer ay naipahahayag naman niya ang kanyang saloobin sa fans sa pamamagitan ng pagkanta.

Dagdag pa ng kampo ng multi-awarded singer sa oras ng kanyang konsiyerto ay espesyal ang trato niya sa fans kung saan maaaring lumapit ito sa kanya.

Bukas sa kanyang concert ay makakasama ni Switf ang magaling na young heartthrob na si Sam Concepcion na personal na pinili ng dalaga na maging front act performer sa kanyang Asian Tour.

Pagkatapos ng kanyang concert bukas, next destination ng singer ang Hong Kong.

Pinasikat ng batam-batang singer ang “You Belong With Me,” “Teardrops on My Guitar,” “Innocent,” “Love Story” at marami pang iba. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply