Teachers nagpiket sa city hall

NAG-KILOS protesta ang teachers at non teaching member ng Manila Public Teachers Association, Inc. (MPSTA) Biyernes ng hapon sa harap ng Manila City Hall  upang hilingin ang kanilang 2010 Financial Assistance (FA) na matagl nang nakabimbin.

Nagsimula ang rali ng mga guro alas-2 ng hapon sa DepEd Manila sa pangunguna ni MPSTA President  Merlinda Anonuevo,ng Isabelo delos Reyes Elementary School sa Tondo,

Sa press statement ni Anonuevo, nais lamang nilang iparating ang kanilang hinaing sa matagal na nilang inaasaam na FA kay Manila Mayor Alfredo Lim.

Aniya,ilang beses na silang nakipag-diyalogo sa DepEd at City Govenment officials  hinggil sa payment ng nasabing financial assistance (FA).

Pinangakuan naman umano sila ng alkalde na mababayaran sa oras na maisumite ang Book of Accounts noong February 15,2011.

Gayunpaman, bagamat tiwala ang miyembro ng MPSTA sa sinabi ng alkalde, nagpatuloy pa rin ang grupo na nagsagawa ng komprontasyon dahil hindi pa rin naibibigay ang kanilang 2010 FA  at ang first quarter ng 2011 ay malapit na naman umanong magtapos na ibig sabihin ay panibagong pending na bayad na naman ang kanilang mapapala.

Giit pa ni Anonuevo na nasabing mga guro ay dapat na nasa eskuwelahan upang magbigay ng maayos na edukasyon at hindi dapat nasa kalye upang magmakaawa.

Dapat tatanggap ng P3,000 ang mga guro mula July hanggang December 2010 habang ang non-teaching ay P15,000 ang matatanggap sa kaparehong buwan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply