Tennis tournament sa Mexico , 13 patay

LABINGTATLO ang patay sa Acapulco , Mexico sa pagbubukas ng Mexican Open Tennis Tournament.

Nagkabarilan at nanunog ng mga sasakyan ang magkalabang grupo ng mga sindikato sa droga kung saan pito ang napatay sa labanan ng mga gang members sa mga kalye sa Acapulco noong Biyernes.

Apat naman ang patay at dalawang ang malubhang nasugatan sa isang barilan noong nakaraang Sabado.

Nakakita rin ang kapulisan ng hati-hating parte ng katawan at isang bangkay ng menor de edad na lalaki nitong Linggo.

Nabatid na pinaulanan din ng bala ang isang police station nitong Lunes ng umaga subalit walang naitalang nasugatan. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply