TESDA graduates, bibigyan ng trabaho ng JobStreet

HINDI na mahihirapan makakuha ng trabaho ang sinumang nagtapos ng vocational courses sa Technical Educations Skills Development Authority (Tesda) dahil nakatakda na silang bigyan o ihanap ng mapapasukan ng JobStreet.com.

Ibinalita ni Tesda Director General Joel Villanueva na nagkaroon ng kasunduan ang ahensiya at naturang online job facilitation company, ang JobStreet.com upang tumulong sa paghahanap ng trabaho para sa mga estudyante pagkatapos ng kanilang kurso.

Nilagdaan nitong Biyernes, Pebrero 11, ang isang Memorandum of Agreement nina Villanueva at JobStreet.com Philippines Inc., general manager  Mary Grace Colet na magbibigay ng tulong ang kompanya sa Tesda graduates na gamitin ang serbisyo nito at lumagda sa aplikasyon sa online para sa posibleng trabaho.

Walang gagastusin ang Tesda sa paggamit ng pasilidad ng JobStreet.com.

Umaasa si Villanueva na gagawin din ito ng Tesda na katulad na kasunduan sa iba pang online job facilitation companies.

Sa ilalim ng kasunduan, magbibigay ng sariling section ng JobStreet.com para sa website ng Tesda, (http://www.tesda.gov.ph) na ipakikita ang tunay na job opening para sa lokal at overseas jobs para sa technical courses graduates.

Ilalagay din ang pangalan ng mga nagsitapos sa employer base ng naturang kompanya para sa job matching. Sa bahagi naman ng Tesda, eendorso naman nito ang nagsipagtapos na lumagda sa account ng JobStreet.com upang madaling makita ang kanilang impormasyon ng mga inaasahang employer.

Ilalagay din ng partner na kompanya ng Tesda ang bakanteng trabaho para sa technical/vocational/ skilled workers na maaaring makita sa job portals ng www.jobstreet.com and http://www.tesda.gov.ph.

Sa ilalim ng kasunduan, regular na imomonitor ng TESDA kung ilan ang kabuuang bilang ng lumagda, bilang ng aplikasyon, bilang ng posisyon na inaplayan ng Tesda graduates at kabuuang bilang ng isinumiteng resume na ini-refer at kinuha ng mga employer ng JobStreet. Ernie Reyes

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply