TESDA makikipag-date kay Inang Kalikasan

IPAGDIRIWANG bukas ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang Valentine’s Day sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga puno upang makatulong na labanan ang climate change.

Ayon kay TESDA Director General Joel Villanueva,  tinawag na ‘A Date with Nature’ ang kampanya na sisimulan sa Pebrero 14 hanggang 28, 2011, isang oportunidad para maipakita ang pagmamahal kay Inang Kalikasan.

“As part of our commitment to help save the environment brought about by the potential future effects of the global climate change, TESDA will launch a nationwide tree planting program to be participated by all employees,”  ani Villanueva.

Sabay-sabay na sisimulan ang programa pagkatapos ng  flag-raising ceremonies sa lahat ng tanggapan ng  TESDA sa buong bansa.

Aniya, ang tree planting activity ay magiging sustainable program at hindi ningas-kugon lamang.  Hinikayat niya ang buong ahensiya na mahalin ang kapaligiran bilang isang mahalagang adbokasiya.

“Although the tree planting activity is only limited to a certain period of time, the program will continue until a cleaner and greener TESDA environment is maintained,” wika pa nito.

“Each employee is requested to plant a tree not necessarily in TESDA compound/office but also in their respective available areas within their communities,” giit pa ng TESDA Director.

Magugunita na kumitil ng daan-daang Pilipino ang ang bagyong Ondoy noong 2009  na at naging sanhi ng malawakang pagbaha sa Metro Manila ay epekto ng climate change ayon sa datos ng United Nations.

Upang matiyak ang tagumpay ng tree planting program, inatasan ni Villanueva lahat ng tanggapan ng  TESDA na alamin ang mga lugar  na masasakop ng kampanya sa pakikipagtulungan sa Department of Environment and Natural Resourcdes (DENR) sa kani-kanilang rehiyon.

Inatasan din  ang  regional at provincial directors kasama ang TESDA Technical Institution (TTI) na pangunahan ang tree planting session gayundin ang  Central Office sa pamamgitan ng Regional Coordination Office (RCO) na i-report at itala ang mga empleyadong lalahok sa naturang programa.  Linda Bohol

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply