The Rock hari sa 3YO Condition race

HINDI nadurog si The Rock sa tulin ni Guillermo sa largahan matapos matapos manalo ang una sa naganap na Three-year-old Conditions A1-2 na ginanap sa Sta. Ana Park sa Naic, Cavite.

Sinunggaban ni Guillermo at hinete nitong si 2009 Philippine Sportswriters Association (PSA) jockey-of-the-year Jessie B. Guce ang bandera subalit kumapit agad si The Rock.

“Nilapitan ko na agad para hindi makalayo tutal may tulin naman si The Rock at kayang-kaya niya itong distansya.” pahayag ni class B rider John B. Cordero gumabay sa winning horse.

Papasok ng home turn ay unti-unti ng kinukuha ni The Rock ang unahan kay Guillermo at sa huling 100 metro ng laban ay malinaw na sa una ang panalo.

Tinawid ni The Rock ang meta na may apat na kabayo ang distansya sa sumegundang si Mamadontpreach habang tumersero si Mr. Universe.

Nakopo ni The Rock ang P20,000 na inisponsoran ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM).

Samantala, natalo sa magkahiwalay na karera ang dalawang outstanding favorites na sina Harbour Magic at Bebot.

Nasilat si Harbour Magic kay Sir Henry na bumanderang tapos sa Class Divisions 6-5 race habang nalasing si Bebot kay Domecq sa naganap na Class Division 1. Elech Dawa

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply