Theft itatanggi ni Lindsay Lohan

NANINDIGAN ang controversial actress na si Lindsay Lohan na walang katotohanan ang pagkalat ng balitang nagnakaw siya ng kuwintas sa isang jewelry shop sa Los Angeles.

Sa arraignment upang pormal na sampahan ng kasong felony grand theft ang aktres ay sinabi na nitong maghahain siya ng not guilty plea.

Ayon kay Lohan, malinis ang kanyang konsensya kaya malakas ang kanyang loob na harapin ang kaso.

“I’m pleading not guilty because I’m NOT!,” ani Lohan.

Una nga rito ay ipinagsigawan ng mga kaibigan ng aktres na hindi na kailangan pang magnakaw ni Lohan dahil marami siyang alahas na mas mahal pa sa sinasabing ninakaw niyang $2,500 worth na kuwintas.

Sakaling ma-convict, makukulong ang kontrobersyal na aktres ng hanggang tatlong taon sa California state prison. Gwenn Salamida

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply