Tickets sa Pacman vs Mosley bout, pinag-agawan

SA LOOB lamang ng tatlong oras ay parang pinutakte ang mahigit 16,000 piraso ng ticket matapos mag-agawan sa pagbili ang mga boksing fans para sa salpukan sa pagitan nina Manny Pacman Pacquiao at Sugar Shane Mosley.

Namangha naman si Top Rank promoter Bob Arum sa mabilis na pagkaubos ng ticket na malinaw na positibo ang pagtanggap ng mga fans sa nakatakdang laban sa kabila ng mga negatibong komento ng maraming boxing writers kung saan humiling pa sila na boykotin ang laro.

“First time ko lang naranasan sa aking career bilang promoter na ubos agad sa loob lang ng isang araw ang lahat ng ticket sa boksing,” ayon sa nagtatakan g si Arum.

“Manny Pacquiao never ceases to amaze the world with his achievements. The excitement he generated today with the initial ticket sales makes it feel like fight week already!” dagdag pa ni Arum.

Tatangkaing agawin ni 5-time world champion Sugar Shane Mosley (46-6-1, 39 KO’s) ang titulo ni Pacman (53-3-2, 38 KO’s)  na  WBO welterweight crown sa Mayo 7 sa MGM Grand, Las Vegas, Nevada.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply