Tiger Moon kinalmot si Alamid

IPINAKITA ni Tiger Moon na mas matalas ang pangil nito kay Alamid matapos metahan ng una ang huli sa naganap na Class Divisions 10-9 race noong Miyerkules, Pebrero 2 ng gabi sa Sta. Ana Park sa Naic, Cavite.

Sa largahan nagkapanabayan agad sina Alamid na siyang liyamado sa laban at second choice Tiger Moon habang ang ibang katunggali ay nakuha na lamang manood sa dalawa dahil sa tulin ng arangkada.

Nagpalitan sa banderahan sina Tiger Moon at Alamid na nirendahan nina class A riders Kelvin B. Abobo at John Alvin Guce ayon sa pagkakasunod.

Hanggang sa pagpasok ng huling kurba ay nag-uunahan sa sina Tiger Moon at Alamid kaya naman nagkatalo ang dalawa na leeg ang pagitan.

Mabuti na lamang at meron pa si Tiger Moon kasi talagang matinding kayugan ang nangyari sa amin ni Alvin (Guce) nice race talaga.” masayang pahayag ni Abobo.

Nakapagtala ng tiyempong 1:05.8 si Tiger Moon sa distansyang 1,100 meter race.

Tumersero si Lealtad habang pumang-apat si Wild Wind.

“Maraming matutulin sa largahan pero walang nakasunod kila Tiger Moon at Alamid ang ganda ng laban nila sarap panoorin.” saad ng isang karerista. Elech Dawa

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply