Tigil-putukan simula na

MAG-UUMPISA na ang idineklarang one week ceasefire na paiiralin ng Communist Party of the  Philippine at armadong galamay nitong New Peoples Army kaugnay sa kanilang muling pagbabalik sa peace negotiating table.

Ayon sa CPP-NPA, kanilang inihudyat ang pagpapatigil ng mga opensibang guerilla simula alas-12:01 ng madaling araw ng Martes at magwawakas sa hatinggabi ng  Pebrero 21 na hudyat din sa kanilang pagbabalik sa pakikipagnegosasyon sa government peace panel na naglalayong wakasan ang kanilang pakikidigma laban sa pamahalaan.

Nabatid na nagtungo na sa Oslo Norway ang government panel sa pangunguna ni Atty. Alex Padilla para magkaroon ng exploratory talks at talakayin ang mga isyu hinggil sa ekonomiya ng bansa at political reforms para mawakasan ang mga hidwaan.

Ito ang unang formal talk na magaganap sa ilalim ng Aquino administration matapos na maunsyami ito may anim na taon na ang nakalilipas.

Magugunitang umatras ang komunistang grupo sa isinusulong na usapang pangkapayapaan noong 2004 dahil sa  umano’y panunulsol ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa US at European nations na isama sa kanilang talaan ng international terrorist group ang CPP-NPA.

Sa panunungkulan ng bagong Aquino administration, pumayag ang CPP-NDF na bumalik sa pakikipagnegosasyon sa pamahalaan. Verlin Ruiz

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply