Tigresses sumampa sa UAAP finals

MULING nakasampa sa finals ng UAAP women’s volleyball tournament ang University of Santo Tomas (UST) matapos gibain ang Adamson U, 25-23, 25-18, 17-25, 25-21, sa semifinals clash ng mga ito sa The Arena sa San Juan City.

Nanguna si Aiza Maizo sa Tigresses sa first two sets nang kumana ng 20 points bago nagtuwang sina Maruja Banaticla at Maika Ortiz na siyang tumapos sa Lady Falcons.

Maaaring makaharap ng Tigresses ang alinman sa top-seed La Salle o fourth-ranked Ateneo pagkatapos ng kanilang semifinal match sa sa Sabado, Pebrero 19.

“We need to play with a higher intensity in the finals,” ani UST coach Cesael Delos Santos.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply