Tikas ni Gypsy Grey nasilayan sa pista

KAHIT galing sa mahabang bakasyon ay nakitaan pa rin ng tikas si Gypsy Grey noong Linggo, Pebrero 6 matapos itong manalo sa naganap na Class Divisions 10-9 sa Sta. Ana Park sa Naic, Cavite.

“Puro trangko lang si Gypsy Grey kasi ipinahinga namin kaya ng bumalik siya sa pista para lumahok sa official race ay kay jockey Patty (Dilema) namin siya pinasakay, iba na kasi pag star jockey kahit anong klaseng kabayo ipasakay mo sa kanila ay kayang-kaya nilang basahin,” paliwanag ng trainer na si JV Tornandizo naghanda sa winning horse.

Paglabas ng aparato sinunggaban agad ng liyamadong si Lealtad ang unahan subalit dinikitan agad ito ni Gypsy Grey kaya naman naging anino ng una ang huli hanggang sa pagpasok ng huling kurba.

“Kaya naman ni Gypsy Grey sumunod, naramdaman ko ito habang pumaparada kami kaya hindi ko na hinayaang makalayo ng husto si Lealtad.” wika ni may-time Philippine Sportswriters Association, (PSA) jockey-of-the-year awardee Dilema.

Sa rektahan kinuha na ni Gypsy Grey ang unahan upang tawirin ang meta ng may apat na kabayo ang distansya sa nasegundong si Lealtad na ginabayan ni class A jockey Fernando “Dunoy” Raquel at nakapagtala ng tiyempong 1:13.6 sa 1,200 meter race.

Samantala, hindi naduplika ni Ran The Dance ang kanyang panalo matapos itong mabigo kay My Promise sa natapos na Santa Ana Park Special Condition race.

Pinabayaan lang ni top choice My Promise na mauna si Ran The Dance sa largahan upang sa pagsapit ng far turn ay agawin ng una sa huli ang bandera. Elech Dawa

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply