Tikas sa banderahan ni Alamid masusukat na

PIPILITING umulit ng panalo si Alamid kontra pitong matitikas na kabayo sa magaganap na Class Divisions 10-9 na ilalarga sa Sta. Ana Park sa Naic, Cavite.

Sa huling takbo ni Alamid lumabas ang talas ng paningin nito upang silatin si Thotis Best na isang outstanding favorite ng bumanderang tapos ito sa isang regular race.

Muling gagabayan ni class A rider John Alvin Guce si Alamid subalit sa ngayon ay may kakampi siyang kapareho ng kanyang numero si Unequalled na isang magaling rumemate sa rektahan.

May distansyang 1,100 meter race at dahil sa maikli lamang ang tatakbuhin ay pihadong mahihirapang pumili ang mga karerista.

“Maraming mabibilis kasi sa mga kalahok kaya kahit sino ang maliyamado ay hindi pa rin puwedeng mag single kung tataya ka ng winner take all,” paliwanag ng beteranong kareristang si Antonio Gapit.

Ang ibang kalahok sa nasabing karera ay sina Tiger Moon na kilalang mabilis sa largahan, ang matapang sa unahan na si La Huerta, ang naghuhuramentadong pag lumabas ng aparato upang kunin agad ang bandera na si Wild Wind, ang may tuling sina Bumble Bee, Think Tank at Lealtad.

Rerendahan ni 2009 Philippine Sportswriters Association jockey-of-the-year awardee Jessie B. Guce si Wild Wind. Elech Dawa

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply