Tiket sa Pacquiao-Mosley fight sold out na

LAS VEGAS, Nevada – Umaabot na sa 16,000 tickets ang naibenta sa Manny Pacquiao-Sugar Shane Mosley fight sa Mayo 7 para sa world welterweight title.

Ang 16,000 tickets ay naibenta sa loob lamang ng tatlong oras, mula 10 ng umaga hanggang 1 ng hapon nitong Enero 31, dahilan para 1,000 tickets na lamang ang natitira.

Ayon pa sa report, ang positibong pagsuporta ng fans at ang mabilis na pagkaubos ng ticket ay ikinagulat ni Top Rank promoter Bob Arum sa kabila ng may mga naglabasang negatibong komento mula sa ilang boxing writers ukol sa naturang laban.

Sinabi ni Arum na ngayon lang nangyari na halos ubos agad ang ticket sa unang araw pa lamang ng pagpapalabas nito sa loob ng kanyang mahabang karanasan sa pagpo-promote ng boxing card.

“Manny Pacquiao never ceases to amaze the world with his achievements. The excitement he generated today with the initial ticket sales makes it feel like fight week already!”

Sa nasabing laban ay idedepensa ni Pound for pound king ang kanyang WBO welterweight title kontra kay 5-time world champion Sugar Shane Mosley, gaganapin sa sMGM Grand, Las Vegas, Nevada. Bineza Zapanta

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply