Tindera ninakawan ng ‘customer’

TINUTUKAN ng baril at ninakawan ng pera at cell phone ng isang nagpanggap na customer ang isang tindera sa Quezon City Miyerkules ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Aira Dueñas, 22, ng San Gabriel, Cubao.

Kasalukuyang naman pinaghahanap ng mga awtoridad ang tumakas na salarin na hindi pa nakikilala.

Ayon sa imbistigasyon, naganap ang insidente dakong ika-9:30 ng umaga sa loob ng grocery  store sa Kamuning Market.

Base sa ulat ng pulisya, nagpanggap na mamimili ang suspek at nang malingat ang biktima at mabilis nitong hinablot ang kanang braso sabay tutok ng baril sa natulalang biktima.

Tinatayang nagkakahalaga ng P7,000 ang halaga ng pera at cell phone na Motorola na nanakaw ng salarin. R.A Marquez

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply