Tindera sa Quiapo, todas sa boga

INIIMBESTIGAHAN ngayon ng Manila Police District ang pagkamatay ng isang 38-anyos na tindera matapos barilin ng ‘di pa nakikilalang suspek sa Quiapo, Manila.

Agad na binawian ng buhay sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Veronica Enolva ng 14 Fraternal St., Quaipo Manila.

Pinaghahanap naman ang mga suspek na tumakas matapos ang pamamaril.

Sa ulat ni SPO2 Henry Ignacio, dakong alas 8:20 Sabado ng gabi, Pebrero 12, ng makatanggap sila ng tawag hinggil sa pamamaril sa biktima sa kahabaan ng iskita ng Fraternal St. sa Quaipo.

Ayon sa ina ng biktima na si Rizalina, nasa loob umano ito ng bahay  kasama ang isa pang anak na si Norma nang makarinig sila ng putok ng baril at nang lumabas ito upang tingnan ang pinanggalingan ng putok ay bumungad sa kanilaang duguang katawan ng biktima na nakahandusay sa semento.

Hindi naman matukoy kung sino ang may kagagawan ng pamamaril dahil walang nakakita sa insidente.

Tumanggi rin umano ang pamilya ng biktima na makipag-ugnayan sa pulisya upang mabigyan ng linaw kung ano ang motibo at pinag-ugatan ng pagpaslang sa biktima .

Ayon pa sa pulisya, tumanggi rin ang ina ng biktima na i-otopsiya ang bangkay nito kaya dinala na lamang sa St. Raphael Funeral.

Gayunman,patuloy pa rin ang isinasagawng imbestigastion ng pulisya hinggil dito. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply