Tirzo Cruz shares “experiences” with gays

AMINADO si Tirso Cruz III na humingi siya ng guidance ni Direk Andoy Ranay para sa gay role niya sa bagong primetime series ng GMA-7 na I ♥ You Pare.

Sa tagal na raw kasi niya sa industriya, ngayon lang siya nakagawa ng all-out gay role sa isang TV series.

“I’m still in the learning process, e,” sabi ni Pip.

“Ako nga, very dependent nga kay Direk Andoy. Sabi ko nga, ‘Direk, ha, bantayan mo kami baka nalalaglag kami sa character.’ Or, ‘Direk, you help us out sa lingo, yung gay lingo, the way we move, the way we react. Mga landian namin para talagang believable.
“Kasi siyempre, mahirap yung gano’n na lalabas ka at magpapanggap ka. Kung hindi saleable yung pagpapaganggap mo, hindi ka makakatulong sa show at sa whole ensemble, di ba?” paliwanag ng veteran actor.

Maliban sa pagsusuot ng mataas na heels at sa consistency ng kanyang character, wala na raw ibang naengkuwentro pang hirap si Pip sa kanyang role.

Laking pasasalamat naman ni Pip na hindi na siya ni-require ng serye ng mag-tuck in ng kanyang kaselanan gaya ng ginawa ni Ryan Agoncillo nang gawin nito ang serye niyang Lady Dada sa TV5 noong nakaraang taon.

“Hindi naman kinailangan, pero may mga damit kami na minsan nakikita or bumabakat si Junjun!” tawa niya.

“Minsan pinapalagyan naming ng belt para hindi makita, or yung clothes tinutupi namin. Hindi pa naman ako nagsusuot ng tights. Pero leggings, oo, pero nilalagyan naman kami ng mahabang dress.

“Ang dusa lang yung makeup, heels, and wig. Di ba, mula umaga hanggang gabi naka-wig kami? Kaya nga minsan, kapag umaga kami nag-umpisa, pagdating ng lunch break, ‘Puwede bang alisin muna?’

Hindi naman itinanggi ni Pip na noong kabataan at kasagsagan ng kasikatan niya ay nakaranas na rin siya ng pagpaparamdam ng mga bading na nagkakainteres sa kanya.

“Pero wala akong naging yung sinasabing karelasyon? Wala. Kilala naman nila na friendly lang ako sa mga bading.

Mula raw nang mag-umpisa si Pip sa showbiz, malapit na siya sa mga bading.

Hindi niya ba naisip noon na subukang makipagrelasyon sa bading?

“Never,” mabilis na tugon ni Pip.

“Ngayon, baka gusto nila akong i-try!” pabiro niyang sagot.

Napapailing lang si Pip dahil kung kailan daw siya nagkaedad ay saka naman siya nabigyan ng gay role.

“Nakakatawa kasi nga, di ba? Sabi ko nga sa kanila, ‘Hoy, i-research ninyo, ha, clearly na kami yung mga mature na bading. Pag-aralan n’yo, ha, kasi there are certain gay lingos that was in use in ’80’s na hindi na ginagamit ngayon.’

“One classic example of a gay lingo si ‘Chapter!’ Bihirang-bihira mo nang maririnig ngayun yun. ‘Chaka’ na yung ipinalit. Or yung ‘Atsufa-flak! Atsutsu!’ Wala na yung mga ganyan ngayon. Ang uso ngayon yung ‘Waley, gibsung!'”

Natawa at naaliw raw ang pamilya ni Pip nang una siyang makita in drag.

“Tuwang-tuwa sila, tawa sila nang tawa. Si Lyn [Ynchausti, his wife], yung mga anak ko—si Bodie at saka si Djanin. No’ng minsan nga, pumunta sila dito, may pictorial yata kami or shoot somewhere dito sa QC. Dumaan sila, tawa sila nang tawa.

Hindi itinanggi ni Pip na tinawagan niya ang kaibigang si Bembol Roco, na gumanap din ng gay character sa serye rin sa GMA 7 na Beauty Queen. Pero nilinaw ni Pip na hindi niya ginaya o naging peg ang character portrayal ng kaibigang veteran actor. Gwenn Salamida

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply