TNT kampeon sa PH Cup

NAGING kasangkapan ng Talk ‘N Text ang mabagsik na opensa sa pagdurog sa San Miguel Beermen, 95-82, dahilan upang makuha ang PBA Philippine Cup title sa larong ginanap sa Araneta Coliseum.

Mistulang makinang puno ng langis si Jimmy Alapag na bumuhat sa Tropang Texters nang rumatsada sa final period ng Game 6, sumira sa pagtatangka ng SMB na makabangon.

Si Alapag na itinanghal na co-Finals MVP ng PBA Press Corps kasama si Jason Castro ay tumipa ng double-double na 15 points at 10 assists, kasunod ng 17 ni Ryan Reyes.

Samantala, tinupad ng TNT na ilulutang nito ang bangis ni Ali Peek nang kumana ng 15 points habang si Harvey Carey ay 13 at si Ranideld De Ocampo ay naka-12 habang si Kelly Williams ay nag-ambag naman ng 10 para sa Tropang Texters.

“This series is for Allan Reyes,” ayon kay TNT coach Chot Reyes. But we’d also like to congratulate San Miguel for giving us a good fight. Radito Torres

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply