Tone-toneladang lahar raragasa

INAASAHANG raragasa anomang araw ang tone-toneladang lahar mula sa Bulkang Bulusan kapag muling pumutok ang bulkan at bumuhos ang malakas na ulan.

Dahil dito, nagtulong-tulong ang mga residente, Department of Public Works and Highways, Bureau of Fire Protection at Philippine Army sa paglilinis sa mga pangunahing lansangan na natabunan ng makapal na abo bunsod ng pagputok ng Bulkang Bulusan kamakalawa.

Nabatid na mahigit 32,000 indibidwal mula sa 17 barangay sa Bayan ng Irosin ang naapektuhan sa naturang pagbuga ng abo ng Bulusan kung saan 75 pamilya o nasa 319 indibidwal ang nananatili sa Gallanosa National High School na ginawang evacuation center.

Naapektuhan din ng pagsabog ang mga residente sa mga barangay ng Guruyan, Sipaya, Maala, Calmayon at Puting Sapa sa Bayan ng Juban pero nagbalikan na ang mga ito sa kani-kanilang mga bahay.

May 59 barangay naman ang nakaranas ng ashfall sa bayan ng Bulan kung saan apektado ang higit 76,000 indibidwal mula sa 59 na barangay.

May 10,000 facemask na ang naipamamahagi ng Department of Social Welfare and Development sa mga naapektuhang residente.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply