Toni Gonzaga, Eugene Domingo magsasama sa pelikula

MAGSASAMA sa isang pelikula ng Star Cinema ang magaling na komedyanang si Eugene Domingo at ang romantic comedy princess na si Toni Gonzaga.

Sa isang panayam kay Toni ay kinumpirma niya na magsasama nga sila ni Uge sa isang pelikula. At, aniya, excited siya tungkol rito.

“Alam ko, kung gaano kahusay si Ate Uge (Domingo). I’m really excited dahil marami akong matututunan sa kanya,” excited na pahayag ng aktres.

Samantala, sinabi rin ni Uge na isa si Toni sa mga gusto niyang makatrabahong muli.

Matatandaang nagsama sila sa “You Are the One” na pinagbidahan nila Sam Milby at Toni noon under din ng Star Cinema.

“Nakakatuwa na after ilang years, makakasama ko ulit si Toni. (Si) Toni Gonzaga ang isa sa mga hinahangaan natin na ang dami daming kayang gawin. I’m really looking forward to working with her, being with her,” ani Uge.

Makakasama din nila sa pelikula ang Kapuso star na si Wendell Ramos.

Excited rin sa nasabing proyekto ang magdidirek nito na si Direk Jose Javier Reyes na pawang naging hits ang mga comedy movie gaya ng “Kasal, Kasalo, Kasali.”

Sinabi rin ng direktor na unang beses niyang makakatrabaho si Toni.

“I’m having really good vibes that this is going to be a lot of fun. At ang isang kasiyahan niyan ay ang tagal tagal ko nang nakakatrabaho si Uge but this is the first time na makakatrabaho ko si Toni Gonzaga,” pahayag ng direktor. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply