Toni Gonzaga tanggal bilang leading lady ni Vic Sotto

NAG-REACT na si Vic Sotto sa isyung pagkakatanggal ni Toni Gonzaga bilang leading lady sa pelikulang ginagawa niya sa Star Cinema.

“I didn’t have anything to do with that decision. Si Toni and I are okey. Wala akong karapatan gawin yun..Kung anuman ang final casting ngayon that was Star Cinema`s decision,” paglilinaw ni Vic.

Si Toni ang first choice sa movie pero nagkaroon ng problema dahil isinama ang TV host/actress sa daily noontime show ng Dos na Happy Yipee Yehey ( hirap tandaan), (wala talagang recall–ED), kaya pinalitan na siya ni Bea Alonzo.

At dito na lumabas ang isyu na baka raw si Vic ang gumawa ng paraan para matsugi si Toni dahil ang daily noontime show nito sa Dos ay katapat ng Eat Bulaga.

Pero sabi ni Vic, walang problema sa kanya yun at naiintindihan daw niya si Toni na dating EB barkada.

Sabi naman ni Toni, kahit gustuhin niyang makasama sa movie ni Vic ay wala siyang magagawa dahil maaapektuhan ang daily noontime show niya kung tatanggapin pa niya ang movie ni Bossing Vic.

Desisyon na rin raw ng ABS CBN na ipalit sa kanya si Bea at hindi dahil ayaw niyang makasama sa movie.

Samantalang nagpahayag naman si Joey de Leon sa ginanap na presscon ng Sunday Block Timer show sa TV5 na kung sila ang tatanungin ng Dabarkads ay wala naman silang nakikitang katapat ang Eat Bulaga.

Natawa tuloy ang press na nag-i-interview kay Joey. Dating kasi sa mga press sa naging pahayag ni Joey na wala silang kalaban ay hindi nila kino-consider na katapat ang daily noontime show nina Toni and company.
Anyway, masaya si Vic at bagay naman raw kay Bea ang role at nangandahan siya sa actress. Gerry Ocampo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply