Total log ban sa buong bansa pinakakasa na ni PNoy

INIUTOS na ni Pangulong Benigno Aquino III ang moratorium sa pagputol ng punong kahoy sa mga kagubatan.

Ito ay batay sa Executive Order No. 23 na inilabas ng palasyo bunsod ng mga nararanasang pagbaha sa Visayas, Mindanao at Bicol region.

Sa kanyang pagbisita kamakailan sa mga apektadong lalawigan, napansin ng Pangulo ang mga nakakalbong kabundukan kaya walang depensa sa mga pagbaha.

Kasabay nito ang pagkakabuo ng isang anti-illegal task force na siyang mangunguna sa pagpapatupad ng total log ban at kampanya laban sa illegal logging.

Kasama sa order ang hindi muna pagpapalabas ng Department of Environment and Natural Resources ng logging contracts/agreements sa lahat ng tinatawag na natural and residual forests.

Naatasan din ang DENR na pag-aralan ang mga umiiral na kontrata at agad kanselahin kung may paglabag sa mga kondisyon at alinmang batas sa kalikasan.

Bibigyan ng P10 million ang Task Force bilang paunang pondo mula sa Department of Budget and Management at maaari itong dagdagan depende sa pangangailangan at kung aaprubahan ng Pangulo. Kris Jose

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply