Trabaho lang at hindi po tayo namemersonal!!!

BILANG patas na mamamahayag ay bigyan natin ng daan ang komento ng isa nating reader.

Para sa aking tagasubaybay, inuulit ko na hindi ko gustong makasakit ng damdamin ng aking kapwa lalong lalo sa mga taong  nabanatan ko sa kolum.

Trabaho lang at walang anomang iba pang  dahilan ang mga isinusulat ko sa aking kolum. Ginagampanan ko lang ang aking trabaho bilang isang mamamahayag.  Paano malalaman ng bayan ang mga “baluktot” kung walang magsusulat na newsmen?

Eksampol na lang ‘yang ibinulgar ni Col.George Rabusa na anomalya sa AFP. Kung walang media na magsusulat sa  mga ibinulgar ni Rabusa ay malalaman ba natin ang matagal nang anomalya sa AFP?

Basahin natin ang nilalaman ng komento ng reader.

Sir gud pm! I’m one of a million readers ng inyong column. And believe me, bilib ako sa tapang niyong magsulat at sipag niyo na maghanap ng isusulat. But in just one issue, di ko akalain na masisira ang magandang paghanga ko. Hindi pala lahat ng sinusulat niyo ay totoo. Mali sa iniisip naming readers niyo or maybe ala kayong care kung sino ang apektado sa issue. Akala namin lahat ay may basehan. Sana bago niyo isulat, may evidence kayo not just may nag-text sa inyo. Ayokong isipin na ang hinahangaan naming writer ay walang kwenta dahil hindi siya marunong magpahalaga ng damdamin ng iba.  Wala palang kwenta ang tapang mo kasi lahat ay walang basehan. At sa tagal kong naging taga-subaybay mo, I’m wasting a lot of time for reading your  column. Well di natutulog si Lord. Sana masaya ka.

And one thing matakot ka sa KARMA. Di mo iniisip kung totoo nga lahat ng mga text sa iyo. Paano kung naninira lang? Inisip mo ba ang mga maaapektuhan? O sadyang  wala kang pakialam sa damdamin ng iba?-Johnny Magalona

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply