Trabaho para sa 10,000 nurse-DOH

TINATAYANG 10,000 nurse na walang hanapbuhay ang mabibigyan na ng pagkakaabalahan ng Department of Health.

Sa press briefing sa New Executive Building, Malakanyang, sinabi ni Health Secretary Enrique Ona na 60, 326 na ang aplikanteng hawak ng DoH para makasama sa kanilang   programa na Registered Nurses for Health Enhancement and Local Service.

Sa nasabing bilang 18, 543 ang lalaking aplikante habang 41,783 naman ang babae.

“This effort in essence will enhance our health services with regards to the number of nurses that we have today,” ang pahayag ng Kalihim.

Sinabi ni Sec. Ona na 10,000 nurse lang ang kanilang kakalapin bunsod ng kasalatan sa pondo.

Nagpahaging naman ito sa mga foreign donor na tulungan sila sa programang ito.

Layunin ng programang ito na punan ang kasalatan ng kasanayan at karanasan ng isang nurse sa 1, 221 rural at sa tinatawag na underserved community sa loob ng isang taon.

Habang naka-deploy ang mga nasabing nurse ay makatatanggap ang bawat isa sa mga ito ng P8,000 allowance.       Kris  Jose

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply