Trader, tinaniman ng bala utas

HINDI na umabot nang buhay sa pagamutan ang 49-anyos na negosyante, matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang gunman sa Divisoria, Tondo, Maynila, Linggo ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Mario Calvin, ng 1006 Bilbao st., Tondo.

Samantala, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga tauhan ng MPD-Homicide Section para sa ikalulutas ng kaso at matukoy ang nagsosolong gunman na tumakas matapos ang krimen.

Batay sa ulat na isinumite kay Sr. Insp. Armando Macaraeg, hepe ng MPD-Homicide Section, 7:20 ng umaga nang maganap ang krimen sa tindahan  ng biktima sa Bilbao at Padre Rada st., Divisoria, sakop ng Tondo.

Bago ang krimen, nakaupo umano si Calvin sa harapan ng kanyang panindang kalamansi nang may nag-text.

Nakayukong nagre-reply ang biktima nang lumapit ang suspek saka anim beses na pinaputukan ang biktima bago tumakas.

Inaalam na kung ano ang motibo sa krimen. Rene Crisostomo

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply