Trak bumaligtad sa Benguet, 7 sugatan

PITO ang nasugatan makaraang tumimbuwang ang sinasakyang elf truck sa Sitio Sookan, Brgy. Gambang, Bakun, Benguet, umaga ng Biyernes, Pebrero 4.

Nasa mabuti nang kalagayan ang mga biktima na sina Adilon Cayat, Emilio Lintan, Diego Litawen, Andres Liwayan, Dixon Cayat, Rusele Cayat at Tikoy Taguda habang ang driver na si Melanio Liwangan ay walang tinamong sugat.

Ayon sa inisyal na report, grupong Gabriela ang lulan ng naturang sasakyan, patungo ang mga ito sa pagdadausan ng kanilang dayalogo hinggil sa usapin ng malawakang pagmimina doon.

Nabatid na nawalan ng preno ang nasabing sasakyan kung kaya bumaligtad ito. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply