Trak ng basura sumalpok sa bahay, 2 patay, 6 sugatan

PATAY ang dalawa katao habang anim ang sugatan makaraang mawalan ng kontrol ang isang garbage truck at sumalpok sa bahay ng isang  Oliver Ocampo, isang kagawad sa Cebu City, Pebrero 10.

Ayon sa report ng DZBB, naganap ang aksidente sa Barangay Kalunusan, naturang lungsod makaraang mawalan ng kontrol ang driver ng naturang trak.

Nakilala ang mga nasawi na sina Elvie Mabatin, 25; at Joseph de los Santos, 21; habang nakilala naman ang nasugatang driver ng trak na si Gerardo Lasingue, 56.

Base sa report, inaayos ng mga biktima ang motorsiklo nang aksidenteng masalpok sila ng naturang trak.

Ayon kay Lasingue, nasira ang brake ng trak kung kaya napilitan siyang isalpok ito sa bahay ng nasabing councilor. Marjorie Dacoro

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply