Trak tumagilid, trapiko sa NAIA nagkabuhol-buhol

NAGKABUHOL-BUHOL ang trapiko malapit sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Termial 3, Pasay City,  matapos tumagilid ang isang trak na may kargang buhangin bandang 9:30 Biyernes ng umaga.

Batay sa inisyal na report, nakatulog ang truck driver dahilan para sumalpok sa concrete barrier at mapunta sa kasalubong na lane at araruhin ang dalawang sasakyan.

Nasugatan sa insidente ang dalawang katao habang tinamaan naman ng trak ang isang closed van at isang puting kotse na may plakang VAN 298. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply