Transparency sa pondo, inihirit ng PHL athletes

MARAMING national athletes na ang umaangal sa kawalan ng transparency sa pondo na nakukuha ng mga National Sports Associations (NSAs) mula sa Philippine Sports Commission.

Ayon sa mga atleta, nagmimistulang bulag sila hinggil sa budget na nakalaan para sa kanila dahil hindi ipinapaalam ng mga opisyales sa kani-kanilang NSA kung magkano at paano nila ginagamit ang pondo.

“Hindi namin alam kung ano ba talaga ang nararapat para sa amin dahil wala kaming idea kung ano ang ibinibigay sa NSA namin,” sabi ng isang national athlete na nakiusap na huwag pangalanan.

Dahil sa kawalan ng transparency, napapag-isip tuloy ang mga atleta na nagkakaroon ng hokus-pokus sa paggamit ng pondo na nakalaan sa kanilang NSA.

“Gusto naming makita ang breakdown ng budget na hinihingi ng NSAs sa PSC, upang makasiguro kami na napupuna ang pondo sa dapat puntahan,” dagdag ng atleta.

Target umano ng mga atleta ang makapagdala ng karangalan sa bansa subalit nagiging balakid ang kakulangan ng pondong ginagamit nila sa kanilang ensayo.

“Mahirap maging inspirado sa mga competitions kung naiisip mo na pinag-nenegosyohan ka ng mga tao na dapat sana ay nangangalaga sa mga atletang kagaya namin.”

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply