Transport strike ikakasa sa nakaambang oil price hike

DAHIL nakaamba na namang tumaas ang presyo ng diesel, nagbanta ang grupo ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (Piston) ng malawakang kilos protesta.

Ang babala ay inihayag  Martes, Pebrero 15 ni Piston Secretary-General George San Mateo na itutuloy nila ang kilos-protesta sakaling ipatupad ng “Big 3” oil companies ang price hike sa diesel.

Ayon kay San Mateo, hindi na umano makatwiran ang serye ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Sa katunayan ay nagsimula na ang lider ng Piston na makipag-ugnayan sa mga miyembro nito para sa isasagawang rally na posibleng mauwi sa organisadong transport strike.

Ang nakaambang pagtataas sa presyo ng diesel ay kasunod ng panibagong paggalaw sa halaga ng langis sa world market.

Kinumpirma ito ni Energy Undersecretary Jose Layug Jr. habang aniya ang halaga ng gasolina naman ay magkakaroon ng rollback.

Ang pagtaas sa presyo ng diesel ay maaaring ianunsyo sa mga darating na araw depende sa paggalaw sa halaga nito sa pandaigdigang merkado. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply