Tratado sa palit-ulo ni Chiz, sinopla ni Sotto

HINDI pa man nakaka-arangkada ang panukala, kaagad sinopla ni Senate Majority Leader Vicente Sotto III ang kahilingan ni Sen. Francis “Chiz” Escudero na pumaloob ang Pilipinas sa isang tratado hinggil sa palitan ng preso na nahahatulan ng kamatayan.

Sa panayam matapos ipinanawagan ni Escudero ang prisoner-exchange agreement, sinabi ni Sotto na dapat maghinay-hinay ang gobyernong Aquino sa panukala dahil kukunsintihin nito ang illegal na gawain ng ating kababayan sa abroad tulad ng pagtutulak ng droga.

“Kung hindi drug trafficking, susuporta ako. Dapat maghinay-hinay sila dito kasi mangyayari nyan, bibigyan natin ng proteksiyon ang mga drug traffickers sa abroad dahil kapag nadakip sila, nandito kaagad ang Pilipinas at kukunin natin sila,” giit ni Sotto.

Ipinanukala ni Escudero na pumaloob ang Pilipinas sa isang tratado sa mga bansang may Overseas Filipino Workers hinggil sa prisone-exchange agreement tulad sa China na aabot sa 79 Pinoy ang nahaharap sa death sentence matapos mapatunayan nagtutulak ng droga.

“Lalabas nyan, kinukunsinti natin sila. Pasalamat nga tayo sa ibang bansa sila nagtutulak. Di ba good riddance yun, instead na dito, nailigtas pa natin ang ating mga anak, ang ating mga apo sa droga,” paliwanag ni Sotto.

Ibinasura din ni Sotto ang pananaw ng ilang armchair critics na kahirapan ang siyang nagtulak sa mga nahatulan ng bitay sa ibang bansa sa pagtutulak ng droga dahil marami naman mahihirap na pumapasok sa marangal at legal na hanapbuhay.

“Hindi ako naniniwala na kahirapan ang nagtutulak sa kanila na magdala o magtulak ng droga. Di totoo yan, mas maraming mahihirap ang pumapasok ng pagiging janitor kaysa magtulak ng droga,” paliwanag ni Sotto. Ernie Reyes

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply